|
. |
Hulyo 2004
Pahayag ng
Rebolusyonaryong Grupo ng mga Komunista
MGA MANGGAGAWA: MAG-STRIKE LABAN SA DIGMAAN!
Ang
Rebolusyonaryong Grupo ng mga Komunista (RGK) ay
nananawagan sa internasyonal na uring manggagawa at sa aming mga
ka-uring
Pilipino na pakilusin ang lakas nito upang tuluyan nang talunin ang
imperyalistang pakikidigma sa Irak, at labanan ang “gera sa digmaan” na
inilulunsad ng burgesyang Pilipino, sa pangunguna ng rehimeng Arroyo,
laban sa
anak-pawis at lahat ng inaapi sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga
aksyong
manggagawa. Ang pagtanggi sa paghawak ng mga materyal na pandigma at
mga strike
ng mga manggagawa laban sa digmaan ay kinakailangan lalo pa’t ang mga
imperyalistang mananakop na U.S. at Britanya at ang mga tinatawag
nitong mga
kaalyado sa “coalition of the willing” ay nabibitak na at isa-isang
nangangalaglag,
kung saan ang mga bansang mayroong mga militar at “maka-taong”
delegasyon ay
nakapagpa-abot na o nagpapa-abot na ng kanilang kagustuhang i-atras ang
kanilang mga tropa. Kinakailangang kumilos na ngayon ang uring
manggagawa sa
harap ng paghihigpit ng kapit ng U.S. sa Irak sa pagbubuo nito ng isang
papet
na interim na gubyerno na makaka-sunod sa lahat ng dikta ng Washington,
at ang
“lokalisasyon” ng kolonyal na pakikidigma nito sa pamamagitan ng
pag-aaway away
ng mga Iraki laban sa isa’t-isa sa pagtatayo ng pan-seguridad at
paniktik na
puwersa upang durugin ang mga rebeldeng Iraki.
Ang
digmaan sa Irak ay isang imperyalistang pakikidigma
para sa dominasyon. Ang internasyonal na uring manggagawa ay wala ni
anumang
interes upang tulungan ang dominasyong ito, bagkus, ang uring ito ay
mayroong
obligasyong tulungan ang mga kapatid nito sa uri sa Irak upang talunin
ang
imperyalistang pakikidigma na ito. Ang paraan lamang upang magawa ang
obligasyong ito ay sa pamamagitan ng mga aksyong manggagawa. Sa Estados
Unidos
at sa mga bansa na tinatawag nitong kasama sa kowalisyon, ang mga
manggagawa ay
dapat na tumanggi na humawak ng material na pandigma na patungo sa Irak
at
mag-strike laban sa digmaan. Dapat rin silang tumanggi na maipadala sa
kani-kanilang sintensya ng kamatayan sa Irak bilang mga sibilyang
empleyado ng
mga base. Sa Gitnang Silangan, ang mga migranteng manggagawa at mga
manggagaw
ng mga bansang Arabo na kasama sa “coalition of the willing” ay dapat
tumanggi
ring magtrabaho hangga’t may digmaan sa Irak. Ang mga migranteng
manggagawa ay
walang kinalaman sa mga interes ng mga kapitalistang kotraktor, militar
man o
sibilyan, Amerikano man o mga “coalition partner”, sa pagkuha ng tubo
sa
pakikidigma. Ang buhay ng isang manggagawa ay hindi mapapalitan ng
isang
kapitalistang margin of profit at ng mataas na return of investment
para sa
burgesya. kaya naman kami ay umaapela sa mga manggagawa lalo na sa mga
truck
driver at mga sibilyang emplyado ng mga base, na i-biyahe ang mga
material na
pandigma sa loob ng Irak kasama na ang pagbibiyahe nito sa loob at
labas ng
Irak. Na kahit na gaano pa man kalaki ang hazard pay tungkulin ng bawat
mulat
sa uri na manggagawa na tumutol na maibato sa isang digmaan na
inilulunsad ng
burgesya.
Dito
sa Pilipinas, habang ang mga mersenaryong tropang
Pilipino ay iniaatras na mula sa Irak, at habang ang kaso ni Angelo
dela Cruz
ay muli na namang ginawang tila soap-opera na tulad ng insidente sa
Oakwood
noong isang taon, inilatag na ng burgesyang Pilipino ang 6-taon nitong
maka-uring pakikidigma sa uring manggagawa at mga pinag-sasamantalahan.
Ang mga
“bagong arsenal” nito: planong pagpapataw ng 8 pang karagdagang tax
measures at
pagtataas ng mga presyo ng mga batayang pangangailangan, pagtaas ng
pamasahe,
ang pribatisasyon ng National Power Corporation, at ang nauudlot na
malawakang
tanggalan ng mga empleyado ng gubyerno. Tila ang mga masang manggagawa
ay kaya
pang mabuhay ng maayos sa mga sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga
bilihin
at serbisyo matapos ang eleksyon! Isa pang bagong arsenal ay ang
Balikatan
04-3 na muli na namang naka-amba upang galitin ang mga mamamayang Moro
muli.
Hindi pa kasama rito ang mas matinding klimang panseguridad na
ipinatutupad ng
Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines
(AFP) na
mayroong tono na durugin ang lahat ng mga paglaban at protesta na
ilulunsad ng
mga masang manggagawa at ng ibat-ibang grupong oposisyon. Paulit-ulit
na
nating nakikita ang mga marahas na dispersal ng mga protesta at rali ng
ibat-ibang maka-kaliwa at oposisyong grupo. ang pagtindi pa lalo ng
seguridad
ang ibig sabhin ni Arroyo sa talumpati nito sa inauguration nito ng
kanyang
sinabi na ang mga pag-aalsang EDSA ay ilalagay na sa baol ng
kasaysayan. Sa
esensya, ang troop pull-out at ang pagsagip nito kay Angelo dela Cruz
ay
naglalayon lamang upang makakuha ng pogi points o positibong
propaganda sa
rehimen nito upang ihanda ang masang manggagawa sa maka-uring
pakikidigma.
Kinakailangan rin nitong mapigilan ang pagbuhos ng pakamuhi at galit ns
tulad
ng nangyari noon sa Flor Contemplacion case. Na ang lahat ng daldal
nito upang
mapangalagaan daw ang interes ng mga migranteng manggagawa ay simple at
payak
na prpaganda para sa rehimen ni Arroyo, walang bawas, walang kulang. Na
ang
lahat ng daldal nito upang ipauna ang ineres ng mga masang manggagawa
ay puro
lang paghahambog dahil sa muling paglulunsad nito ng isa na namang
probokasyon
sa mga mamamayang Moro sa pamamagitan ng joint military exercises
kasama ang
mga tropa ng imperyalistang U.S. sa Mindanao!
Ang
pakikibaka ng manggagawang Pilipino laban sa maka-uring
pakikidigma ng burgesyang Pilipino ay mahalagang karugtong ng
pakikibaka ng
internasyonal na uring manggagawa upang talunin ang imperyalistang
digma sa
pamamagitan ng mga aksyong manggagawa. ang uring manggagawang Pilipino
ay
mayroong imternasyonal na obligasyong depensahan ang Irak, at tumulong
na
talunin ang imperyalismong U.S., dahil ang kaaway sa uri ay hindi
lamang rito
ang burgesyang Pilipino, kundi ang internasyonal ng burgesya rin na
pinamumunuan
ng imperyalistang U.S. na gumagahasa at nangwawasak sa Irak.
<>Kasabay ng pakikipaglaban namin sa mga kapatid
sa uri sa
Irak, mayroon rin tayong obligasyon ipaglaban ang karapatan para sa
sariling-pagpapasya ng mga mamamayang Moro bilang bahagi ng
pinagsasamantalahang
mamamayan, kahit na ito ay mangahulugan ng independensya para sa mga
mamamayang
Moro at sa buong Mindanao. Ang uring manggagawa ay walang iteres na
ipagpatuloy
ang pang-aapi ng mga miborya at bansa katulad ng ginagawa ng burgesya,
na kinakailangan
ang opresyon upang mapanatili at makapang-huthot ng tubo. Ang mga
racial,
panrelihiyon, at pang-nasyonal na dibisyon ay ideyolohiya ng burgesya
at hindi
ng uring manggagawa. Sa lalong madaling panahon, kinakailangang
mai-dikit ng
mga manggagawa ang pakikibaka nito laban sa maka-uring pakikidigma ng
lokal na
burgesya sa laban ng mga mamamayang Moro, at ang panawagan ng mga
aksyong
manggagawa tulad ng mga strike para sa pagkatalo ng agresyon at
probokasyon ng
mga puwersang imperyalistang U.S. sa Central Mindanao sa ilalim ng
Balikatan
04-3.>
Ngayon
na ang panahon upang kumilos. Imbes na
magmartsa at magprotesta laban digmaan na tulad ng ginagawa ng mga
tinatawag na
mainstream left, kinakailangan nating organisahin at kumbinsihin ang
ating mga
kapatid sa uri dito sa Pilipinas at sa internasyonal upang labanan at
talunin
ang imperyalistang digmaan na ito at ang maka-uring pakikidigma ng
lokal na
burgesya. Imbes na magpetisyon sa mga internasyonal na kinatawan – na
kontrolado naman ng mga imperyalistang bansa – tulad ng United Nations,
kinakailangang nating kumilos upang mai-mobilisa ang mga kapatid natin
sa uri
upang talunin ang lahat ng imperyalistang pakikidigma ng lahat ng
imperyalistang bansa at ang lahat ng “lokalisadong” maka-uring
pakikidigma na
inilulunsad ng ating lokal na uring burgesya laban sa atin. At imbes na
magmartsa laban sa digmaan tulad ng ginagawa ng mga sosyal-demokratiko,
Stalinista, pasipista at iba pang repormistang grupo, kaming mga
Trotskyista ay
nananawagan para sa proletaryong rebolusyon upang tuluyan nang
maibagsak ang
mapandambong at ganid na sistema ng monopolyo kapitalismo na patuloy na
nag-aanak ng digmaan, rasismo at pagsasamantala sa sangkatauhan.
STRIKE
NG MGA MANGGAGAWA LABAN SA DIGMAAN!
AKSYONG
MANGGAGAWA UPANG SIPAIN ANG LAHAT NG TROPANG MILITAR SA IRAK!
TALUNIN ANG
IMPERYALISMONG U.S. SA PAMAMAGITAN NG PROLETARYONG REBOLUSYON!
STRIKE NG MGA MANGGAGAWA
PARA TALUNIN ANG MAKA-URING
PAKIKIDIGMA NG BURGESYANG PILIPINO!
MGA PROLETARYONG AKSYON UPANG MAPALAYAS ANG
MGA TROPANG MILITAR SA MIDANAO!
TALUNIN ANG MGA PROBOKASYONG MILITAR NG
IMPERYALISTANG U.S. SA CENTRAL MINDANAO!
Rebolusyonaryong
Grupo ng mga Komunista
Ika-26 ng Hulyo 2004
To contact
the Internationalist
Group and the League for the Fourth International, send e-mail to: internationalistgroup@msn.com
Return to THE
INTERNATIONALIST GROUP Home Page
|