.

Abril 1998

Deklarasyon ng
Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal

Muling Buuin ang Ika-Apat na Internasyonal!

Ang sumusunod na deklarasyon, na nagpapahayag ng pagkakatatag sa Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal, ay pinagtibay noong Abril 6, 1998 ng Internationalist Group (Estados Unidos o E.U. at Meksiko), ng Liga Quarta-Internacionalista do Brasil at ng Groupe Internationaliste (na dating Permanent Revolution Faction) sa Pransya.

Noong 1848, sa pagbulwak ng rebolusyon sa Pransya, Aleman, at sa halos lahat bansa sa Lumang Kontinente (Old Continent), inihayag ng Manipesto ng Komunista: “Isang multo ang tumakot sa Europa – ang multo ng komunismo.” Makalipas ang pitumpong taon, sa gitna ng malawakang patayan ng unang imperyalistang digmaang pandaigdig, ang mga Bolshebik sa pamumuno nina V.I Lenin at Leon Trotsky ay nanguna sa isang insureksyong manggagawa na umagaw sa kapangyarihan sa Rusya. Ipinahayag ng mga sobyet (konseho) ng mga manggagawa ang layunin ng “pagtatatag ng isang sosyalistang pagsasa-ayos ng lipunan at ang pagtatagumpay ng sosyalismo sa lahat ng bansa.” Ang kapangyarihang Sobyet ay nagtagumpay sa sumunod na Digmaang Sibil sa ilalim ng Pulang Hukbo, na inorganisa ni Leon Trotsky, bagamat ito ay naharap sa paglusob ng 14 na imperyalistang hukbo. Ang panawagang “Manggagawa ng Lahat ng Bansa, Magkaisa!” ay naipakita sa pagbubuo ng Komunistang Internasyonal. Para sa mga manggagawa ng kanluran, at para sa mga kolonyal na alipin ng imperyalismo, ang Pulang Oktubre ang nagpakita ng daan para sa sarili nilang pagpapalaya.

Subalit ang pagkatalo ng sunod-sunod na rebolusyonaryong pakikibaka sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa, kasama na ang aysolasyon ng estado ng mga manggagawang Sobyet, tumungo ito sa pagsulpot ng isang konserbatibo nasyonalistang burukrasya sa pangunguna ni Stalin, na umagaw sa pulitikal na kapangyarihan noong 1923-24. Sa ilalim ng anti-Marxistang kontra-senyas ng pagtatayo ng “pagtatayo ng sosyalismo sa isang bansa”, ang nakikinabang na baytang na ito ay nagnais ng isang modus vivendi sa imperyalismo. Ito ay nangahulugan ng pagsabotahe ng mga rebolusyon sa ibang bansa sa ngalan ng isang “popular na prente” sa burgesya, habang dinudurog naman ang demokrasyang manggagawa sa Unyon Sobyet, pinagpapapatay ang mga awtentikong komunista ng Kaliwang Oposisyon at ang buong Bolshebik na liderato na natira noong 1917. Sa pag-gigiit ni Trotsky, ang pagdepensa sa mga natamo ng Oktubre ay nangangailangan ng proletaryong pulitikal na rebolusyon upang alisin ang parasitikong burukrasya, kasabay ng sosyalistang rebolusyon sa kapitalistang Kanluran. Kung hindi, ang mga pagkakanulo ng mga Stalinista ay magbibigay-daan para sa kapitalistang kontra-rebolusyon sa mismong Unyon Sobyet.

Sa kahuli-hulihan, nagbuwis ang pitong dekadang walang tigil na imperyalistang presyur at ang mga panloob na kontradiksyon ng marupok na mga Stalinistang rehimen. Noong 1989-92, isang kontra-rebolusyonaryong agos ang nagwasak sa burukratikong nabulok na estado ng mga manggagawa ng Sobyet at sa depormadong estado ng mga manggagawa sa Silangang Europa, na nagbigay-daan ng pagbabalik ng kapitalistang paghahari sa buong rehiyon. Nagsasaya na iprinoklama ng imperyalistang burgesya ang makasaysayang pagkatalo ng pandaigdigang uring manggagawa na nangangahulugan ng “pagkamatay ng komunismo.” Idineklara ng imperyalismong U.S. ang “Bagong Kaayusan ng Mundo,” sa pamamagitan ng pagpatay ng mahigit na 100, 000 na mga Iraki sa Digmaan sa Gulpo ng Persya. Subalit ang pagsasaya ng burgesya ay madaling naudlot. Ang pagdaluhong ng mga kapitalista na tagpasin ang mga sahod at mga sosyal na programa na di-umano’y hindi na kinakailangan ngayon dahil wala na ang “pulang panganib” ay sinalubong ng mga pagputok ng mga paglaban ng uring manggagawa sa Pransya, Italya, Timog Korea at sa iba pang bansa. Pumutok ang mga pakikibakang pesante sa Meksiko at Brasil. Sa ilang mga bansa, iniluklok ang mga popular na prente na rehimen upang maipatupad ang mga brutal na pagsisikip ng sinturon kung saan hindi nagtagumpay ang mga konserbatibong rehimen.

Subalit kahit na matapos iproklama ang pagkamatay ng komunismo, patuloy na tinatakot ang burgesya ng multo ito. Sa ngayon, 150 taon na ang nakalipas matapos malimbag ang Manipesto ng Komunista, isang malawakang atakeng propaganda ang inilunsad sa Pransya sa pamamagitan ng Black Book of Communism, isang matinding pagsisikap upang sisihin ang mga Bolshebik ni Lenin na mas marami pang pinatay kaysa sa Nazi ni Hitler. Ang kanilang layunin ay i–kriminalisa ang pakikibaka para sa sosyalistang rebolusyon. Subalit hindi sila magtatagumpay. Ang namatay ay Stalinismo, ang pinaka-anti-tesis ng Leninistang internasyonalismo, habang patuloy na nagpapasulpot ang kapitalismo ng mga potensyal na mga komunista sa buong mundo ng may brutaliadad ng eksploytasyon at opresyon nito. Ang kinakailangan ay ang pakiki-alam ng rebolusyonaryong partido ng internasyonal na proletaryado. Ang sentral na tungkulin ay buuin ang partidong yaon.

Ina-anunsyo namin ngayon ang pormasyon ng Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal sa pagsasanib ng Liga Qurta-Internacionalista do Brasil, ang Internationalist Group ng E.U. at Mexico at ng Permanent Revolution Faction sa Pransya. Sa inilahad ng PRF sa pampublikong deklarasyon nito noong ika-3 ng Pebrero 1998: “Communism Lives, In the Struggles of the Workers and the Oppressed and in The Trotskyist Program – Reforge the Fourth International! (Buhay ang Komunismo, Sa mga Pakikibaka ng mga Manggagawa at Inaapi at sa Trotskyistang Programa – Muling Buuin ang Ika-Apat na Internasyonal!) ”Ang tungkulin ng Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal ay pagsama-samahin ang mga nukleyo para sa muling pagbubuo ng pandaigdigang partido ng sosyalistang rebolusyon sa ilalim ng komunistang programa nina Marx, Engels, Lenin at Trotsky.

Ang mga makasaysayang karanasan sa nakalipas na siglo ang nagpupukpok ng aral na ang katanungan ng rebolusyonaryong liderato ang susi sa patatagumpay at pagkatalo para sa mga manggagawa at mga pinagsasamantalahan. Noong Agosto 1914, ang mga nangungunang partido ng Ikalawang Internasyonal, na kinalawang na ng parlyamentarismo at ng aristokrasya sa paggawa, ay naki-hanay sa mga “sarili nilang” burgesya noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang suporta ng mga Sosyal-Demokrata para sa kapitalismo ay nangahulugan ng pagsakal ng Rebolusyong Aleman ng 1918-19, nag-utos sa pagpatay sa mga Komunistang lider na sina Karl Liebknecht at Rosa Luxumberg, at sumama sa anti-Bolshebik na krusada ng mga imperyalista. Habang ang sosyal-demokrasya ay umakto bilang mga asong taga-nguso para sa kapitalismo, ang mga manggagawa sa buong Europa ay nahatak sa paligid ng bandila ng Ikatlong Internasyonal. Sa bawat bansa, pinagpasyahan ng mga manggagawa na ilunsad ang rebolusyon, subalit hindi nagawang magtagumpay sa kawalan ng mga partido komunistang subok na. Sa uang apat na kongreso nito (1919 – 1922), sinestimatisa ng Komunistang Internasyonal sa ilalim ng pamumuno nina Lenin at Trotsky ang mga aral ng Rebolusyong Ruso at ng internasyonal na pakikibaka ng mga manggagawa sa kapanahunan ng imperyalismo, na nag-iwan ng mga hindi mapapantayang pamana para sa mga rebolusyonaryo na aming tinitindigan sa kasalukuyan. Subalit ang lumalang burukratisasyon ng estadong Sobyet ay nakapagbigay ng nakakapaminsalang epekto sa Internasyonal.

Sa pakikibaka laban sa patakaran ni Stalin ng pagpapasa-ilalim ng proletaryadong Tsino sa mga burgis na nasyonalista, na nagresulta ng madugong pagkatalo ng Rebolusyong Tsino ng 1925-27, isina-pangkalahatan ni Trotsky ang teorya ng permanenteng rebolusyon. Orihinal na binuo sa bisperas ng Rebolusyong 1905 sa Rusya, at kinumpirma ng Rebolusyong Oktubre ng 1917, tinitindigan nito na sa mga bansang nahuli ang kapitalistang pag-unlad, ang hindi pa resolbadong mga tungkulin ng burgis demokratikong rebolusyon ay maisasakatuparan lamang sa ilalim ng diktadurya ng proletaryado, na sinusuportahan ng pesante, sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon na kinakailangang maipaabot sa mga sentro ng pandaigdigang kapitalismo.

Matapos ang sampung taon ng pakikibaka laban sa pagkabulok ng Comintern, dineklara ni Leon Trotsky at ng sapilitan na tinanggal na Kaliwang Oposisyon ang pangangailangan para sa isang bago na rebolusyonaryong internasyonal ng hayaan ng mga Stalinista at Sosyal-Demokrata na magmartsa si Hitler sa kapangyarihan noong 1933. Sa harap ng makasaysayang kapahamakang ito, matapos ang dalawang taon, ang Stalinisadong Comintern ay tuluyan nang tumungo sa repormismo, na hayagang umakap sa burgesya sa porma ng mga “Prenteng Bayan.” Sa pagbibihis ng paglaban sa pasismo, dinepensahan nito ang mga interes ng pinansyang kapital.

Nang tumindig sa rebolusyonaryong pakikibaka ang proletaryado sa Espanya at sa malawakang strike sa Pransya, nagkapit-bisig ang mga Stalinista at Sosyal Demokrata upang sakalin ang mga ito sa patibong na prenteng bayan, na nagbukas ng daan para sa mga madugong maka-kanan na diktadurya. Sa pamamagitan ng mga kahalintulad na maka-uring kolaborasyonitang alyansa, sinabotahe ng mga Stalinista ang mga rebolusyonaryong oportunidad sa Indya, Italya, Griyego, at Pransya sa panahon at matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa sumunod na mga dekada, ang prenteng bayan ay nagdulot ng mga kalunos-lunos na pagkatalo sa mga manggagwa at pinagsasamantalahan sa Brasil noong 1964, sa Indonesya noong 1965, sa Tsile noong 1973, at sa iba pang bansa.

Bilang sagot sa paglipat ng Comintern sa kampo ng burgesya, itinatag ang Ika-Apat na Internasyonal noong 1938 ng mga awtentikong Bolshebik-Leninista, na pinamumunuan ni Trotsky. Ipinahayag ng programa ng pagkakatatag ng Ika-Apat na Internasyonal (ang Transisyonal na Programa) na: “‘Prenteng Bayan’ sa isang banda – pasismo naman sa kabila, ito ang mga natitirang pulitikal na kayamanan ng imperyalismo sa pakikibaka nito laban sa proletaryong rebolusyon.”

Habang paparating ang ikalawang imperyalistang digmaang pandaigdig, tumindig ang Ika-Apat na Internasyonal sa kinatatayuan nito, nakipaglaban para sa walang anumang kondisyong depensa ng Sosyalistang Republika ng Unyon Sobyet (SRUS) laban sa imperyalistang atake at para sa rebolusyonaryong pagpapatalsik ng proletaryado sa Stalinistang burukrasya na isang mortal na panganib sa estado ng mga manggagawa. Dinedepensahan ng mga Trotskyista ang mga natitirang tagumpay na nakamit ng Oktubre bilang bahagi ng kanilang pakikibaka para sa pandaigdigang sosyalistang rebolusyon, na sinasabi na “sila na walang kakayahang depensahan ang mga tagumpay na nakamit na ay hindi kailanman makikipaglaban para sa mga bagong tagumpay.”

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang hanay at liderato ng mga Trotskyista sa Europa ay halos maubos ng represyong Nazi at Stalinista, maraming taga-suporta ng Ika-Apat na Internasyonal ang naapektohan ng paglakas ng mga Stalinistang partido at naguluhan sa pagsulpot ng mga depormadong estado ng mga manggagawa sa Silangang Europa at Tsina. Sa pagtindi ng anti-Sobyet na Cold War, isang rebisyonista agos ang sumulpot sa pag-giit ng kalihim ng I-AI na si Michel Pablo na ang Stalinismo, sa ilalim ng presyur ng imperyalismo, ay makagagawa ng mga rebolusyonaryong patakaran. Ang Pabloistang likidasyonismo, na isinasantabi ang pangangailangan para sa isang Leninista-Trotskyistang banggardo, ang nagresulta ng pagkawasak ng Ika-Apat na Internasyonal noong 1951-53.

Ang pakikibaka laban sa rebisyonismo ay lagi’t-lagi nang nasa kilusang Marxista, habang ang presyur ng burgis na lipunan ay naka-diin sa banggardo. Dahil sa kawalan ng pag-asa sa rebolusyonaryong kakayahan ng proletaryado, sa inisyal, hinabol ng mga Pablosita sina Tito at ang mga Europeyong PK noong huling bahagi ng 1940 at 1950. Sa pamumuno ni Ernest Mandel, ang mga oportunistang ito na mapanlinlang na ipinamamarali na sila’y Trotskyista ay patuloy na nagpapabago-bago ng kanilang sigasig, mula kay Castro at Mao noong mga taon ng 1960 hanggang sa mga Sandinista, sa Solidarnoc ng Poland at Sosyal Demokrasyang Cold War sa mga taon ng 1980. Dahil sa pananalanta na dulot ng Pablosimo, ang mga Trotskyista ngayon ay kinakailangang makipaglaban para muling mabuo ang Ika-Apat na Internasyonal bilang isang Leninista, demokratiko-sentralista na pandaigdigang partido ng sosyalistang rebolusyon.

Ang Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal ay tummitindig para kay Trotsky at James P. Cannon, ang tagapagtatag ng Trotskyismo sa E.U., sa pakikibaka laban sa peti-burgis na oposisyon na pinangunahan ni Schactman na nag-abandona ng walang anumang kondisyong depensa sa SRUS noong 1939-40, at sa pakikibaka laban sa Pabloistang rebisyonismo (kahit parsyal at huli na) noong mga taon ng 1950. Sabi nga ni Cannon sa pakikibaka nito laban sa rebisyonismo noong 1953:

“Kung ang ating pagbaklas sa Pabloismo – na mas malinaw na nating nakikita sa ngayon – kung ito ay mabalahaw sa isang banda at makonsentra sa kabilang banda, iyan ay ang: katanungan ng partido…Ang esensya ng Pabloistang rebisyonismo ay ang pagpapabagsak ng bahagi ng Trotskyismo na sa ngayon ay ang pinakamahalagang bahagi – ang konsepsyon na ang krisis ng sangkatauhan ay krisis sa liderato ng kilusang paggawa na sinuma sa kuwestyon ng partido”

–Paksyonal na Pakikibaka at Liderato ng Partido (Nobyembre 1953)

Ang isang rebolusyonaryong partido ay kinakailangang maitayo sa sa pinaka-mahusay na tradisyon ng Cannonismo, na ipinagpatuloy ng Rebolusyonaryong Tendensya ng SWP noong mga taon ng 1960, sa pagtutol nito sa pag-akap ng SWP sa Castroismo, sa umiiral na liderato ng liberal at nasyonalistang itim, at ang muling pakikipag-kaisa ng SWP kina Pablo/Mandel. Pinalawak ng RT ang Marxismo sa pag-analisa nito sa Kubanong depormado na estado ng mga manggagawa. Ang RT, na naging Spartasistang Liga at internasyonal na Spartasistang tendensya (iSt), na noong 1989 ay naging Internasyonal na Komunistang Liga (Ika-Apat na Internasyonalista) o ICL, ay kumatawan sa pulitikal na pagpapatuloy ng awtentikong Trotskyismo.

Isang impotanteng susi sa E.U. ay ang perspektiba ng rebolusyonaryong integrasyonismo – para sa liberasyon ng mga itim sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon – na inihapag ni Richard Fraiser at pinaunlad pa ng tendensyang Spartasista. Ang metodolohiyang ito ay krusyal rin sa Brasil. Ang tendensyang Spartasista ay nag-iisa na nakipaglaban para sa proletaryong oposisyon laban sa lahat ng porma ng maka-uring kolaborasyonista na mga popular na prente. Ito ang nagdulot ng matinding banggaan sa mga sentrista na “nagbebenta ng kanilang mga gamit sa anino ng popular na prente” (sa pagkakahulugan ni Trotsky noong dekada ‘30), mula sa Sri Langka hanggang sa Tsile, Pransya at Portugal noong dekada ’70 pati na rin sa Byetnam na “anti-digmaang” kilusan sa E.U., at sa El Salbador at Meksiko noong dekada ’80 at ’90.

Sa pag-init ng ikalawang Cold War, prinoklama ng iSt na “Ipagbunyi ang Pulang Hukbo sa Apganistan”, habang ang mga sentrista ay sumama sa anti-Sobyet na krusadang “karapatang pantao”, na ideyolohikal na kapa ng imperyalistang pagpupundar ng mga hukbo ng Islamikong reaksyon sa Katimugan hangganan ng SRUS. Nang prinoklama ng mga nagkukunwaring Trotskyista ang kanilang suporta sa “pakikipag-kaisa sa Pagkakaisa o Solidarnosc” (na nanguhulugan ng pakikipag-kaisa sa mga anti-Komunista na reaksyonaryong Reagan, Thatcher, at Wojtyla), dineklara ng mga Spartasista: “Pigilan ang Kontra-Rebolusyon ng Solidarnsc!” Habang ang mga Stalinistang rehimen ay unti-unti nawasak, nanindigan ang ICL sa posisyon nito, nakipaglaban para sa proletaryong politikal na rebolusyon upang depensahan ang mga burukratikong nabulok/nadeporma na mga estado ng mga manggagawa laban sa kapitalistang restorasyon. Kasama rito ang pagpapakilos ng lahat ng kakayahan at yaman nito upang maki-alam dala ang Trotskyistang programa sa Silangang Alemanya, at sa gawain nito sa Unyon Sobyet.

Subalit isang proseso ng sentristang pagkabulok ang naganap sa Internasyonal na Komunistang Liga sa panahon simula ang mga kontra-rebolusyon sa Silangang Europa noong 1989-92. Sa paghalaw ng mga depitistang kongklusyon mula sa makasaysayang pandaigdigang pagkatalo na ito ng internasyonal na proletaryado, unti-unting ipinatutupad ng ICL ang abstensyonistang patakaran ng pag-atras mula sa tunggalian ng mga uri. Ito ay nagresulta ng pagkakanulo sa Brasil noong 1996. Sa paghahanap nito ng paraan upang bigyang matwid ang oporutunismong yaon, dumausdos ang ICL sa serye ng mga rebisyon sa pundamental na mga elemento ng Trotskyistang programa. ___________________

Sa pahayag ng pagkakatatag nito (Agosto 1996), idineklara ng Internationalist Group na, “Ganap na nananatili ang katotohanan ng sentral na tesis ng 1938 na Transisyonal na Programa ng I-AI sa kasalukuyan: ‘Ang makasaysayang krisis ng sangkatauhan ay naka-embudo sa krisis ng rebolusyonaryong liderato…Ang krisis ng proletaryong liderato, na naging krisis na ng kultura ng sangkatauhan, ay mareresolba lamang ng Ika-Apat na Internasyonal’.” Ang pundamental na konsepsyong it ay nilabanan ni Pablo at sa ngayon ay ibinabasura na ng mga naglipanang nagpapanggap na Trotskyista, kasama na rito ang ICL, na noong mga nakaraan ay nanguna pa nga sa pakikibaka para sa awtentikong Trotskyismo laban sa Pabloism.

Sa kasalukuyan, kinukonsidera ng ICL ang pahayag ng Ika-Apat na Internasyonal na pinaninindigan ng IG na may buong bisa sa kasalukuyan (na kung saan paulit-ulit namang iniindorso ng ICL noong mga nakaraan) bilang “kulang” kaya naman wala nang bisa, dahil sa pagkakaroon diumano ng isang “kalitatibo,” “malalim,” o ng isang “makasaysayang pag-atras sa pulitikal na kamulatan ng internasyonal na kilusang manggagawa at kaliwa.” Ang rebisyonistang tesis na ito ay nangangahulugan na ang krisis ay hindi sa liderato nito kundi sa uring manggagawa mismo. Sa pagbibigay-diin ni Trotsky sa “Ang mga Aral ng Oktubre” (1924): “Ang lahat ng kulay ng oportunismo ay, sa huling pagsusuri, maaaring sumahin sa isang maling ebalwasyon ng mga rebolusyonaryong puwersa at potensyal ng proletaryado”

Ang Internationalist Group/Grupo Internacionalista ay binuo ng mga matagal nang namumunong kadre ng International Communist League na nagmula sa Spartacist League/U.S at Grupo Espartaquista de Mexico. Sila ay sapilitang tinanggal ilang buwan habang naghahanda ang ICL ng pagpuputol ng relasyon sa Liga Quarta Internacionalista do Brasil at tuluyang umiwas mula sa isang susi na maka-uring pakikipaglaban para sa independensya ng kilusanng manggagawa mula sa burgis na estado. Noong Oktubre 1996, ang mga batang kasama na nagmula sa GEM ay sapilitan ring tinanggal matapos kondenahin ang mga naunang sapilitang pagtatanggal at pagkakanulo ng liderato ng ICL sa Brasil.

Ang paglayo ng liderato ng ICL mula sa laban upang sipain ang mga pulis sa mga unyon sa Brasil, kung saan noong una’y kanilang itinutulak, ay isang biglaang likong pakanan sa organisasyon na higit tatlong dekada nang kumakatawan sa pagpapatuloy sa rebolusyonaryong Trotskyismo. Idineklara sa pahayag ng pagkakatatag ng Internationalist Group na:

“Ipinapakita ng kasalukuyang liderato ng ICL … ang kawalang kakayahan na ipagpatuloy ang isang malinaw na rebolusyonaryong patakaran, mas lalo na ang pangunguna ng proletaryong rebolusyon…

“Ipinaglalaban ng IG na mapagsama ang mga nukleyo ng rebolusyonaryong partido na dapat maitayo bilang liderato ng uring manggagawa. Ito dapat ay isang partido ng mga propesyonal na rebolusyonaryo, na binigyang pakahulugan ni Lenin sa What is to be Done? na naglalayong mapagsama ang pinaka-abante na mga elemento ng uring manggagawa at mga intelektuwal na natanggalan na ng uri …

“Kinakailangan mapagsama ng IG ang teoretikal na pakikibaka upang madepensahan at maidugtong ang Marxistang programa sa pakikipaglaban upang makapagbigay ng liderato na sumasabay sa tunay na kakayanan nito, na kumikilos upang ‘tumulong sa mga masa sa proseso ng pang araw-araw na pakikibaka upang makita ang tulay sa pagitan ng mga kasalukuyang mga panawagan at sosyalistang programa ng rebolusyon’ (Transisyonal na Programa).”

The Internationalist No. 1, January-February 1997

Ang Liga Quarta Internacionalista do Brasil ay itnatag noong Abril 1996 ng grupo ng Luta Metallurgica. Ang LM ay nabuo noong huling bahagi ng mga taon ng 1980 na gumampan ng nangungunang papel sa mga nagpuputukang iligal na strike ng mga masang manggagawang bakal laban sa diktadurya ng Brasilyanong militar. Sapilitang tinanggal ng repormistang liderato ni Lula sa Partido ng mga Manggagawa (PT) dahil sa kanilang oposisyon sa Frente Brasil Popular, sila ay nerekrut sa grupo ng sentristang Causa Operaria, sa paniniwalang ang C.O. ay kumakatawan sa isang Trotskyistang oposisyon sa popular na prente. Sa loob ng C.O., nilabanan ng LM ang pagtutol ng liderato upang labanan ang opresyon ng mga itim at kababaihan.

Noong 1994, humiwalay ang LM sa Causa Operaria dahil sa panawagan ng C.O. na bumoto kay Lula, ang kandidato sa pagka-presidente ng Frente Brasil Popular, na nagtuloy sa pakikipag-diskusyon sa ICL. Ito ay tumungo sa pagkakaroon ng relasyon ng pakikipagkapatiran sa batayan ng mga susi na programatikong punto, kabilang ang proletaryong oposisyon sa pagboto sa sinumang kandidato ng anumang popular na prente; ang paninindigan para sa Trotskyistang programa sa mga depormado at nabulok na estado ng mga manggagawa; na ang Leninistang banggardo na partido ay kinakailangan na isang “tambuli ng bayan,” na pinapakilos ang uring manggagawa laban sa opresyon ng mga itim at kababaihan, na estratehikong bahagi ng permanenteng rebolusyon sa Brasil; at ang pakikibaka para muling mabuo ang Ika-Apat na Internasyonal. Ipinapahayag ng 1994 na polyeto ng LM, “Para sa Rebolusyonaryong Regrupment,” na:

 “Ang uring manggagawa ay mapag-kakaisa lamang sa rebolusyonaryong pakikibaka kapag nagkaroon ng aktibong paglaban sa ispesyal na oppresyon at laban sa burgis na paunang hatol na humahati sa mga manggagawa at lumalason sa kanilang kamulatan. Ang uring manggagawa (puti, itim, mulato, at iba pa na mga pang-etnikong grupo) ay kinakailangang maimobilisa sa pagkilos laban sa pagmasaker ng mga batang palaboy sa kalye at pagpatay sa mga aktibista, at pagdepensa sa sarili ng mga manggagawa, laban sa opresyon ng mga bakla at pagmasaker ng mga Indyan.”

Sa gitna ng matinding paglaban nito na nilunsad noong 1996 hinggil sa sentral na katanungan ng estado, pinalitan ng Luta Metalurgica ang pangalan nito sa Liga Quarta-Internacionalista do Brasil. Ang artikulo na nagpe-presinta ng unang isyu ng dyaryo ng LQB, ang Vanguarda Operaria, ay nagsimula: “Sa pagsangguni sa mga tungkulin ng proletaryong rebolusyon na sinulat ni Trotsky, ‘Para sa isang matagumpay na solusyon ng lahat ng mga tungkuling ito, tatlong kondisyon ang kinakailangan: isang partido, sa uulitin isang partido, muli na naman isang partido!’” Nilunsad ng LQB ang mga serye ng mga hakbang sa transpormasyon nito bilang nukleyo ng partido na nabanggit, kasama na ang paglilimbag ng isang dyaryo, ekstensyon sa isang mayor na sentrong metropolitan at ang paggampan ng rekrutment sa kabataan.

Bilang sagot sa kampanya na alisin ang mga pulis sa Munisipal na Unyon ng mga Manggagawa sa siyudad ng bakal ng Volta Redonda, naglunsad ang pulis, mga korte at ang Popular na Prenteng gobyerno ng Siyudad ng matitinding mga atake sa LQB. Ito ay naging mahalagang pagsubok. Habang ang ICL ay dali-daling lumayo sa laban, dahil diumano sa “mga hindi katanggap-tanggap na panganib sa banggardo,”matapang na tumindig at lumaban ang LQB. Habang ang mga manggagawa ay bumoto sa pagtatanggal sa mga pulis, ang mga korte ay ginamit upang mailagay ang mga maka-pulis na papet laban sa hanay ng unyon. Ang represyon sa mga Trotskyistang manggagawa sa Brasil ay nagpatuloy sa kagustuhan ng mga korteng ipitin ang kanilang propaganda – sa pamamagitan ng pag-uutos ng “paghahanap at pagkumpiska” ng isang polyeto ng Kawkus para sa Maka-Uring Tunggalian (CLC), na binuo ng LQB – at maglunsad ng mga kriminal na prosekusyon laban sa kanila.

Sa mahigit na isang taon at kalahati, ang liderato ng ICL ay naglunsad ng kampanya ng panghahamak at paninira laban sa LQB at IG, sa pamamagitan ng pagpulot at pagpapakalat ng mga kasinungalingan na nagmula sa mga tagapagsalita para sa mga boss ng industriya ng bakal, mga probokador na maka-pulis, at popular na prente, na nagsimula ng prosekusyong pang-estado ng mga Brasilyanong Trotskyista. Nasagot ng LQB/IG ang bawat isang kasinungalingan distorsyon at tuwirang pabrikasyon na iyan ng mga dokumentadong katibayan. Kasabay niyan, nauna na naming inihayag ang pulitikal na linyang abstensyonista at sentristang kurso ang naging dahilan sa mga naging rekurso ng mga lider ng ICL na burukratikong pamamaraan ng mga kasinungalingan at sapilitang pagtatanggal.

Sa loob ng ICL, ang mga papaling-paling na direksyon na ipinatupad ng Internasyonal na Kalihiman (IS) ay nagbunga ng malawakang krisis pang-organisasyon. Ilang mga lider ng mga pambansang seksyon ang bumitaw sa kanilang tungkuln dahil sa demoralisasyon habang tinawag ng liderato ng ICL ang karamihan sa mga seksyon nito bilang sentrista o di kaya’y nahawaan ng sentrismo. Subalit hindi lahat ay sumang-ayon sa mapangwasak na direksyon ng liderato. Dahil natunghayan mismo kung paano pinalsipika ng I.S. ang sarili nitong mga aksyon at karanasan sa mga laban sa Alemanya, Meksiko at Brasil, at dahil sa resulta na rin ng kanilang mga karanasan sa lumalala na pabago-bagong ihip ng hangin ng liderato, nilunsad ng mga nangungunang kasama ng Ligue Trotskyste de France ang isang oposisyon laban sa mga sentristang patakaran ng I.S.

Matapos makapagtunggali hinggil sa usapin ng pagbibitaw ng liderato ng ICL sa perspektibang “Iskra,” ng pagbubuo ng isang Trotskyistang nukleyo ng mga militanteng ipinatapon na mula sa Hilagang Aprika, at laban sa pagtutol ng I.S. na maglabas ng propaganda na naglalaman ng transisyonal na programa ng pakikibaka sa strike ng mga drayber ng trak, ang kauna-unahang mayor na pakikibaka na kinaharap ng popular na prenteng gobyerno sa Pransya, noong kalagitnaan ng Disyembre ng 1997, dineklara ng mga kasamang nabanggit ang Paksyon ng Permanenteng Rebolusyon. Hinimay-himay ng “Deklarasyon ng Paksyon” ng PRF ang krisis ng ICL, inanalisa ang mga pinanggalingan nito at inihayag ang pulitikal pakikipag-kaisa sa IG.

Pinasisinungalingan ng PRF, sa dokumentong nabanggit at sa iba pang mga dokumento, ang ipinamamarali ng ICL na ang mga Stalinista ang nanguna sa kapitalistang aneksasyon ng depormadong estado ng mga manggagawa ng Silangan Alemanya (at hindi ang imperyalistang burgesya kasabwat nito ang Sosyal Demokratikong na tagapagpatupad sa paggawa, tulad ng naunang sinabi ng ICL ng panahong iyon), ang biglaang rebelasyon ng ICL (na bumangga sa patakaran nito sa nakaraang dekada) na walang popular na prenteng Cardenas sa Meksiko, sa mismong oras na binoboto si Cuauhtemoc Cardenas bilang gobernador ng Siyudad ng Meksiko, at ang pagpupumilit ng ICL na kinakailangang mayroong mga “pyudal na labi” sa Meksiko at Latin Amerika upang mailapat ang permanenteng rebolusyon. Ipinupunto nito na ang mga karanasan sa Brasil at Hilagang Aprika, ang nagpapakita na inaabandona na ng ICL ang pakikibaka upang mabuo ang mga komunistang nukleyo sa mga mala-kolonyal na bansa – ang pagtatanggi ng permanenteng rebolusyon at isang klasikong sintomas ng sentristang pagkabulok sa direksyon ng kaliwang sosyal demokrasya.

Sumagot ang liderato ng ICL sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam na pamamaraan ng intimidasyon at sobinistang pag-aakusa, habang pilit na tumatangging sumagot sa mga pulitikal na argumento ng minorya – liban sa isa. Ang isang taon na pagtatangka ng ICL upang akusahan ang IG ng pag-abandona sa permanenteng rebolusyon ay sagad-sagaring palsipikasyon ng mga posisyon ni Trotsky na kinakailangan pang tuluyang bitawan ng liderato ang pag-angkin (na hiniram naman talaga sa mga Stalinista) na ang mga “mala-pyudal” na sosyal na kondisyon ay umiiral sa mga kabukiran at kabundukan ng Latin Amerika. At upang makakuha ng simpatya sa sarili nitong kasapian, pinatindi ng ICL ang maruming kampanya ng paninira nito sa mga kasamang Brasilyano hanggang sa punto ng paghahanap ng paraan kung paano i-sabotahe ang internasyonal na pagsisikhay upang depensahan ang halos puro itim na manggagawang Trotskyista na nahaharap muli sa estadong represyon.

Nang ang lahat ng ito’y nabigong makakuha ng ninanais na epekto, dali-dali at sapilitang tinanggal ang Paksyon ng Permanenteng Rebolusyon ilang araw lamang bago ang ikatlong internasyonal na kumperensya ng ICL. Upang masiguro ng liderato ng ICL ang internal na katahimikan sa pamamagitan ng pagpurga ng mga rebolusyonaryo at pagpapader nito sa sarili mula sa maka-uring tunggalian, naglabas ang PRF ng mapanghamong pahayag (“Communism Lives”, 3 February 1998) na nagdedeklara:

“Sa pamamagitan ng pakikibakang ito para sa rebolusyonaryong programa na mailalagay ng mga komunista ang mga pinaka-abanteng elemento ng uring manggagawa at pinagsasamantalahan ng kanilang makasaysayang tungkulin, upang mabuo ang isang Trotskyistang partido na subok sa labanan, at hindi sa pamamagitan ng pasibong “komentaryonismo” at abstraktong propaganda, na unti-unting nagiging pasakalye ng liderato ng ICL.”

“Dahil nagkakasunod-sunod na ang mga rebisyon at ‘pagwawastong’ ito – sa permanenteng rebolusyon, sa katangian ng Stalinistang burukrasya, sa popular na prente – na hindi kayang makatindig sa sarili kung hindi bibigyan ng mabulaklak na rebisyonistang pundasyon. Kaya naman ang lahat ng pag-sesermon kamakailan ng ICL sa epekto ng kasalukuyang panahon na kinatatampukan ‘di-umano ng isang ‘makasaysayang pag-atras sa pulitikal na kamulatan ng uring manggagawa’ ay kabalikat ng paglusaw at paglalagay sa alanganin ang papel ng partido at ng rebolusyonaryong liderato.”

___________________

Ang kalunos-lunos na katotohanan sa pagkabulok ng Internatinal Communist League, sa pag-alagwa nito mula Trotskyismo patungong kaliwang sentrismo, ay ang pag-uumpisa nitong ulitin ang maraming argumento na ginagamit ng iba’t-ibang sentrista maging ng mga repormistang nagkukunwari na para sa Trotskyismo, ilan sa mga mismong argumentong ito ay tinunggali ng ICL sa nagdaan.

Sa pagbubuo ng Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal, tinatanggi namin ang mga pag-angkin ng lahat ng mga oportunistang grupo na nagkukunwari bilang Ika-Apat ng Internasyonal, o hindi kaya ay kumakatawan daw ng pagpapatuloy ng Trotskyismo, habang ipinagkakanulo ang bawat punto ng rebolusyonaryong Marxismo at Leninismong programa na ipinaglaban ni Trotsky.

Ang pinaka-malaki sa mga pangkating ito ay ang Nagkakaisang Kalihiman (USec) ng pumanaw nang si Ernest Mandel, na pinagsama ang mga Europeyong Pabloista sa Amerikanong SWP noong 1963 sa ilalim ng programa ng pagsuporta sa mga pati-burgis na gerilya sa Kyuba at Algeria. Sa bawat krusyal na pangyayari, nahahati ang USec sa pagitan ng napakarami nitong lamat. Dahil tipikal na ang pagkakaroon ng maraming grupo sa isang bansa, sa Portugal noong 1975-76, nalagay ang mga nagko-kompetisyonang seksyon ng USec sa magkabilang panig ng mga barikada, ang isa ay bumuntot sa mga kaliwang magsalita na opisyal ng militar, ang isa ay bumuntot naman sa mga sosyal-demokrata na pinopondohan ng CIA.

Dahil nakabaon na ng malalim sa sosyal demokrasyang Cold War noong mga taon ng 1980, ang dating maskara ay naging mukha ngayon sa pagiging sosyal-demokratikong repormista ng mga pinaka-malaking bahagi ng USec. Sa pagpapatuloy nito ng mga buntotistang pulitika ng Pabloismo na tumutungo sa kanilang likidasyonistang kongklusyon, naghahanda na ang USec na likidahin ang sarili. Ang natitira nitong pinaka-malaking seksyon, ang Pranses na LCR, ay nagtatangka nang tanggalin ang “komunista” at “rebolusyonaryo” sa pangalan nito, sa ngalan ng desperadong pagtulak upang sumali sa “plural na mayorya” na popular na prente na gobyerno ng sosyal na demokrata na si Jospin.

Ilan sa malaki-laking mga grupo na nagpapakilalang Trotskyista ay nagtibay ng mga pangalan na nagmumungkahi ng isang pagbalik sa Internasyonal na Asosasyon ng mga Manggagawa ng 1864-1871 (Unang Internasyonal). Ito ang kaso ng Komite ng Pakikipag-ugnayan para sa Isang Internasyonal ng mga Manggagawa” ng Pranses na PT (Partido ng mga Manggagawa) ni Pierre Lambert; ang “Komite para sa Isang Internasyonal ng mga Manggagawa” na pinangungunahan ni Peter Taafe ng Sosyalistang Partido ng Britanya (dating Tendensya ng Militanteng Paggawa); at ang naka-base sa Latin Amerika na Internasyonal na Liga ng mga Mangggawa ng mga taga-sunod ng pumanaw nang si Nahuel Moreno. Habang nagpupumilit na magbihis bilang isang huwad na walang pormang Unang Internasyonal, sa katotohanan pinipilit nilang “malagpasan ang dibisyon sa kilusang manggagawa” na nagresulta ‘di-umano sa pagkakatatag ng Ikatlong (Komunistang) Internasyonal sa pamamagitan ng pagbabalik sa mga pulitika ng sosyal-demokratang Ikalawang Internasyonal.

Ang lahat ng mga grupong ito ay mayroong kumon na pagtingin na sa pagbagsak ng Stalinistang rehimeng Sobyet, hindi na kinakailangan ang Trotskyismo. Nakikiisa sa pananaw na ito ang grupong nasyonalista repormista na Lutte Ouvriere sa Pransya, na karaniwang kinikilala sa pahayagan bilang Trotskyista bagamat hindi ito nagsasalita na nakikipag-laban para sa isang Trotskyistang Internasyonal at ang tunay na pulitika nito ay yaong parlyamentaryong kretinismo na pinapalamanan ng sosyal demokratikong workerismo. Ang British na Kapangyarihan ng mga Manggagawa (WP) at ang mga alagad nitong naka-grupo sa Liga para sa Isang Rebolusyonaryo Komunistang Internasyonal ay bumalik sa kanilang “estado kapitalistang” pinanggalingan: matapos ang isa’t kalahating dekada ng pagkukunwaring paninindigan sa Trotskyistang karakterisasyon ng mga depormadong estado ng mga manggagawa, ang WP sa ngayon ay nagdeklara na ang mga burgis na estado ay hindi kailanman napalitan sa Silangang Europa.

Sa likod ng sangkatutak na mga pangalan at kung minsa’y kamangha-mangahang teoretikal na elaborasyon ng mga samahang ito, ang malinaw na katotohanan ay lahat sila ay nagpo-proklama ng “pakikipag-kaisa sa Pakiki-pagkaisa” noong mga taon ng 1980, ng pinondohan at binibigyang payo ni Ronald Reagan at ng anti-komunistang papa sa Batikano ang mga kontra-rebolusyonaryo nasyonalistang Polish na mga ito. Halos lahat sa mga ito ay sinuportahan ang tao ng Washington sa Rusong White House, na si Boris Yeltsin, sa kanyang kontra-rebolusyonaryong kontra kudeta noong Agosto 1991. Ang ilan rito, tulad ng WP, ay nanawagan pa nga sa gobyerno ng imperyalismong British ni Margaret Thatcher na armasan ang mga anti-Sobyet na pasistikong nasyonalista sa Baltiko. Wala ni isa sa kanila ang nakibaka laban sa kapitalistang muling pag-iisa ng Alemanya noong 1989-90.

Sa ngayon, ang USec ay nagkukunwari na ang kapitalismo ay hindi pa naibabalik sa Unyon Sobyet at Silangang Europa upang pagtakpan ang katotohanan na kanilang pinuri si Yeltsin. Ang Kapangyarihan ng mga Manggagawa ay nagkukunwari pa nga na ang kapitalistang estado ay hindi nawasak sa Silangang Europa, upang itago ang katotohanang sila ay pumanig sa Solidarnosc. Karumal-dumal para sa sinumang mapagpanggap na mga ito na makapagbigay ng kahit katiting ng pagkukunwari na kinakatawan nila ‘di-umano ang mga pulitika ni Trotsky, na nagsulat na sa harap ng kontra-rebolusyon, “Wala dapat na anumang bakas ng pagkakasala ang dadapo sa mga rebolusyonaryo internasyonalista. Sa oras ng mortal na kapahamakan, sila ay dapat manatili hanggang sa kahuli-hulihang barikada.” Ang mga namemeke na mga anti-Komunistang ito ay nasa unang barikada ng kontra-rebolusyon.

Ang mga aral sa pakikibaka laban sa kontra-rebolusyon sa Unyon Sobyet at Silangang Europa ay krusyal sa laban upang depensahan ang mga natitirang depormadong estado ng mga manggagawa (Tsina, Kyuba, Hilagang Korea at Byetnam) at para sa proletaryong pulitikal na rebolusyon upang sipain ang mga Stalinistang burukrasya na nagbibigay ng daan para at pagbibigay ng gatong sa pagtulak ng mga kapitalista para sa kontra-rebolusyon. Sa harap ng naka-umang na kapahamakan ng kapitalistang restorasyon, ang pagtatayo ng mga Trotskyistang partido ay hindi mapapasinayaang pangangailangan upang maimobilisa ang mga anak-pawis, lalo na ang makapangyarihang proletaryadong Tsino, para sa programang ito at mapakalat ang sosyalistang rebolusyon sa mga kapitalistang bansa.

Hindi na rin mabilang ang mga taon, na ang mga grupong nanggaling sa “Internasyonal na Komite” (IC) ni Gerry Healy kasama na rito ang ilan pang tendensiya ay nagsasalita na “muling binubuo” ang Ika-Apat na Internasyonal. Sa ganang iyan ang tunay na pakahulugan ng mga ito ay pagpoporma ng mga oportunistang bloke sa pagitan nila mismo na bumabagsak sa unang pagsubok ng maka-uring tunggalian, kundi bago pa man. Matapos ang papaloob na pagsabog ng huwad at ani-Sobyet na IC ni Healy noong 1985, sa ibabaw ng mga rebelasyon ng mga marangyang pagpo-pondo ng mga Malapit sa Silangang naghaharing burgis, halos lahat ng mga tira-tira nito ay nalusaw na. Ang British na WRP ni Cliff Slaughter ay nagsara na noong 1996, na nananawagan ng isang sosyalistang partido na hindi Marxista o Leninista. Ang “Partido ng Sosyalistang Pagkakapantay-pantay” (SEP) ni David North ay tumigil na sa paglilimbag ng dyaryo nito, at ang mga pananaw nito ay napapakalat lamang sa Internet, para sa mga taong may mga computer.

May ilan pang mga grupo na nakasakay sa sentristang tsubibo, karamihan sa mga iyan ay minsan na ring naging bahagi ng isang internasyonal na tendensya. Ang Argentnyanong Partido Obrero (PO) ni Jorge Altamira ay kasalukuyang nagkakampanya para sa “kagyat na muling pagtatatag ng Ika-Apat na Internasyonal” na nananawagan sa mga magkakatunggali na oportunistang grupo. Sila ay sinasamahan ng “Internasyonal na Trotskyistang Oposisyon,” na pinamumunuan, ng Italyanong grupo na Proposta, na malalim nang naka-baon sa Rifondazione Comunista. Isa sa ‘di-umanong salalayan ng sentristang alsyansang ito ay ang pagtutol sa popular na prente, subalit ang lahat ng mga kabahagi rito (kasama rito ang PO at ang Brasilyanong alyado nito, ang Causa Operaria o CO) ay matagal nang bumoboto sa popular na prente. Habang, umaapela naman sila sa mga Morenoista, kung saan sa Brasil ay naging bahagi ng Frente Brasil Popular ni Lula (kasama na rito ang mga Mandelista at Lambertista na naging organikong bahagi ng burukrasya ng sosyal demokratikong PT).

Marami ring maliliit na mga sentristang grupo ang paminsan-minsa’y umaampon ng mas radikal na retorika, habang ang kanilang aktwal na praktika ay malinaw na maka-kanan. Kaya naman ang mga pambansa-sentrista na naka-grupo sa paligid ng Bolibyanong POR ni Guillermo Lora ay ipinamayagpag ang islogang “Proletaryong Rebolusyon at Diktadurya.” Subalit ang tunay na patakaran ni Lora ay ang Menshebik na programa ng isang “Anti-Imperyalistang Nagkakaisang Prente” kasama ang isang seksyon ng burgesya, na tumungo sa pakikipag-popular na prente kay Heneral Juan Jose Torres na nagpahamak naman sa pagtutol ng mga manggagawa sa kudeta ni Heneral Banzer. Ang isang nanggaling sa tendensyang Altamira ay ang CBCI (Bolshebik na Tendensya para sa Ika-Apat na Internasyonal) na kinabibilangan ng Argentinyanong PBCI at ng Bresilyanong LBI, ay mga taga-payo ng maka-pulis na pangkatin na ginagamit ng burgesyang estado laban sa mga Trotskyistang LQB sa Volta Redonda. Sa ngayon ang samahang ito ay mukhang nahahati sa gitna.

Sa unang bahagi ng mga taon ng 1980, isang bahagi ng mga bumaliktad ang lumayas sa Spartasistang tendensya dahil ayaw nitong tumindig sa anti-Sobyet na agos. Ilan sa mga ito ay nagsama-sama sa isang matatawag na maling katawagan ng “Tendensyang Bolshebik” (BT). Ang mga maka-bagong Menshebik ng BT ay nangangatog na sa pag-iisip pa lamang na sabihin ang “Ipagbunyi ang Pulang Hukbo” sa Apganistan o kaya’y tanggapin ang responsibilidad para sa mga kinahinatnan ng panawagang “Pigilan ang Solidarnosc na Kontra-Rebolusyon” sa Poland. Mula sa umpisa, sinalamin ng BT ang pananaw ng aristokrasya sa paggawa, na umabot sa rurok sa kanilang pagdepensa sa pagtawid ng piket layn ng isang tagapagsalita ng BT. Ang nabanggit ay isang pagsalungat sa pinaka-pundamental na prinsipyo ng pakikipag-kaisa sa paggawa.

Ang Ika-Apat na Internasyonal ni Leon Trotsky ay nakipaglaban para sa programa ng unang Komunistang Internasyonal, sa noo’y bata pang Republikang Sobyet, at sa Rebolusyong Oktubre – ang pinaka-mataas na naabot ng rebolusyonaryong kilusan ng mga manggagawa sa kasaysayan. Ang awtentikong Trotskyismo ay walang kinalaman sa mga hangal at minsa’y nakakasamang galaw ng mga nagkukunwaring impostor. Sila ay, isa man sa kanila o kaya ay lahat sila, ay mga tagapag-patuloy ng ipinamana ng Pabloismo, ang paghahanap ng mga ‘di-proletaryong liderato dahil na rin sa kawalan na ng kanilang pagtitiwala sa rebolusyonaryong kakayanan ng internasyonal na uring manggagawa. Subalit hindi katulad ng mga huwad na nabanggit, ang Internasyonal na Komunistang Liga ay nasa huling mga barikada sa paglaban sa kontra-rebolusyon. Habang ang programatikong ekspresyon nito ay kaiba pa rin sa mga hayagang oportunista, nilulusaw ng lahat ng ito ang Leninistang partido bilang aktibong salik sa maka-uring tunggalian.

Kami ay nakikipaglaban para buuin ang Ika-Apat na Internasyonal na kikilalanin ni Trotsky bilang kanya mismo.

________________

Ang liga para sa Ika-Apat na Iternasyonal ay isang tendensya na kasalukuyang ipino-porma. Kakabigin nito sa kanyang hanay yaong mga naghahangad na depensahan at paabutin ang programa ng awtentikong Trotskyismo, at mailapat ito sa pakikibaka ng uring manggagawa at mga pinagsasamantalahan. Ang muling pagbubuo ng Ika-Apat na Internasyonal ay nangangailangan ng pagtalo sa Pabloismo at lahat ng iba pang tendensya na nagkanulo sa programa ng rebolusyonaryong Trotskyistang programa. Isang mahalagang bahagi ng labang ito, at ng pakikibaka upang malagpasan ang malaking agwat sa pagitan ng mga tungkulin na kinakaharap natin at ang limitadong puwersa natin, at ang taktika ng rebolusyonaryong regrupment sa ilalim ng programa ng Leninistang internasyonalismo. Inaantisipa naming ang mga serye ng mga paghahati mula sa mga rebisyonistang organisasyon at pagsasanib ng mga yaong tunay naghahangad na maging komunista, sa pagbubuo ng banggardong partido.

Sa sinulat ng Liga Quarta-Internacionlista do Brasil sa liham bilang pagsagot nito sa nakakahiyang pagputol ng relasyon ng ICL: kami ay naninindigan na naaalinsunod sa salita at gawa. Kahit maliit ang aming bilang, makikita naman ang aming lakas sa Marxista rebolusyonaryong tradisyon na aming pinaglalaban. Ang LFI ay tumitindig sa pamana ng Komunistang Manipesto nina Marx at Engels; sa pakikibaka ni Lenin upang maitayo ang Bolshebik na banggardong partido at sa kanyang sintesis ng Marxistang posisyon hinggil sa estado sa Ang Estado at Rebolusyon, na nagbigay ng programatikong bala sa Rebolusyong Oktubre ng Rusya noong 1917.

Ang aming programa ay nakabatay sa tradisyon ng unang apat na kongreso ng Komunistang Internasyonal, sa ilalim ng liderato nina Lenin at Trotsky, at sa laban ng Internasyonal na Kaliwang Oposisyon na tumungo sa pagtatatag ng Ika-Apat na Intrnasyonal noong 1938 sa batayan ng Transisyonal na Programa. Sinusundan naming ang bakas ng aming pinanggalingan sa Rebolusyonaryong Tendensya ng SWP sa U.S., tinitindigan ang mga dokumento nito gayundin ang 1966 na Deklarasyon ng mga Prinsipyo ng Spartasistang Liga, ang pundamental na pahayag ng SL at ng internasyonal ng Spartasistang tendensya, at ng Intenrasyonal na Komunistang Liga sa pamamagitan ng ikalawang internasyonal na kumperensya noong 1992 at ang pakikibaka para sa Trotskyismo laban sa isang nasyonalista/maka-Stalinistang paksyon sa loob ng ICL noong 1994.

Inaakap ng Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal ang programatikong pahayag na, “Liga Quarta Internacionalista do Brasil: Sino Kami at Ano ang Aming Gusto” (Vanguarda Operaria Blg. 1, Hulyo – Setyembre 1996) at ang programatikong nilalaman ng 1994 na “Deklarasyon Relasyong Pakikipag-kapatiran” sa pagitan ng LM at ICL, na sa ngayon ay iniatras na ng huli, ang dokumento ng mga kasamang sapilitang tinanggal sa Spartasistang Liga, “Mula sa Isang Paglayo Tungo sa Abstensyonismo hanggang sa Pagbitaw sa Maka-Uring Tunggalian” (Hulyo 1996), ang pahayag ng pagkakatatag ng IG at ang “Pinagsamang Pahayag ng Komitment para Ipaglaban ang Muling Pagbubuo ng Ika-Apat na Internasyonal” (Ang Internasyonalista Blg. 1, Enero – Pebrero 1997). Amin ding ini-indorso ang “Declarasyon ng Paksyon” at iba pang dokumento ng Paksyon ng Permanenteng Rebolusyon.

Sinulat ng PRF sa pahayag nito ng ika-3 ng Pebrero 1998 sa pagkaka-alis nito ng sapilitan sa ICL: “Sa kabila ng pagsigaw ng pagtatagumpay ng pandaigdigang burgesya hinggil sa tinatawag na ‘kamatayan ng komunismo,’ ang namatay ay ang Stalinismo, yaong negasyon at nasyonalistang perbersyon ng komunismo – na internasyonal sa pinaka-esensya nito. Ang Komunismo ay buhay – nabubuhay ito sa tuloy-tuloy na maka-uring pakikibaka ng uring manggagawa at ng pinagsasamantalahan, ito ay nabubuhay sa programa ni Lenin, Trotsky at Cannon na dinepensahan ng Spartasistang tendensya at sa ngayo’y inuumpisahang iniiwan at itinatakwil, ito ay nabubuhay sa mga pakikibaka at programa na pinaninindigan ng IG, ng LQB, at ng PRF at sa pagsasanib ng aming mga organisasyon na maghahanda ng pundasyon para sa Trotskyista na pandaigdigan partido ng sosyalistang rebolusyon. Sulong para muling mabuo ang Ika-Apat na Internasyonal!

Liga Quarta-Internacionalita do Brasil

Groupe Internationaliste (Pransya)
(dating Paksyon ng Permanenteng Rebolusyon)

Internationalist Group/Grupo Internacionalista
(E.U./Meksiko)

<>6 Abril 1998

To contact the Internationalist Group and the League for the Fourth International, send e-mail to: internationalistgroup@msn.com

Return to THE INTERNATIONALIST GROUP Home Page